segunda-feira, 23 de janeiro de 2017

Miss Universe candidates, ibinahagi ang diet, fitness secrets

Dyan Castillejo, ABS-CBN News
Posted at Jan 23 2017 04:38 PM
MANILA -- Kahit anong anggulo ng camera, halos perfect ang katawan ng mga Miss Universe candidates.
Pero ibinunyag ng mga candidates, talagang pinaghirapan nila na makuha ang ganitong klaseng figure. 
Pagkatapos manalo ng titulo sa kani-kanilang bansa, lalo pang tumitindi ang pagpapakundisyon sa kanilang katawan para sumabak sa Miss Universe.
Si Miss Jamaica, kumbinasyon ng gym at healthy eating para maging toned ang abs. 
Ayon kay Miss Belize, whole body workout ang ginawa niya ng ilang buwan para sa Miss Universe. Consistency at dedikasyon daw ang sikreto.
Si Miss Panama na may model na katawan, apat na oras sa gym kada araw ang ginawa para magkaroon ng curves ang katawan. 
[EMBED INSTAGRAM POST, NO CAPTION: https://www.instagram.com/p/BPcG1tulFuA/]
Si Miss Curacao, nagbawas ng carbohydrates at pinalitan ng gulay kasabay ng exercise. 
Si Miss Costa Rica, swimming ang regular na workout, pero tumatakbo rin siya sa gabi at nagbubuhat ng weights. Kailangan din daw ng tamang nutrisyon at pahinga para maganda ang porma ng muscle. 
Bukod sa magandang figure, kailangan din ang healthy na katawan para magampanan ang trabaho bilang Miss Universe. 
Once in a lifetime lang daw ang Miss Universe kaya kahit mahirap ang paghahanda, dinidisiplina ang sarili para sa dream na makuha ang korona. 
Watch the 65th Miss Universe coronation live on ABS-CBN Channel 2 on January 30, 2017 Monday 8 a.m. (Manila time)
For more stories click here.
http://news.abs-cbn.com/life/01/23/17/miss-universe-candidates-ibinahagi-ang-diet-fitness-secrets

Nenhum comentário:

Postar um comentário